-
Leer por capítulos:
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
9
|Génesis 35:9|
At ang Dios ay napakita uli kay Jacob, nang siya'y manggaling sa Padan-aram, at siya'y pinagpala.
-
10
|Génesis 35:10|
At sinabi sa kaniya ng Dios, Ang pangalan mo'y Jacob; ang pangalan mo'y hindi na tatawagin pang Jacob kundi Israel ang itatawag sa iyo: at tinawag ang kaniyang pangalan na Israel.
-
11
|Génesis 35:11|
At sinabi sa kaniya ng Dios, Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat; ikaw ay lumago at dumami ka; isang bansa at isang kapisanan ng mga bansa ang magmumula sa iyo, at mga hari ay lalabas sa iyong balakang;
-
12
|Génesis 35:12|
At ang lupaing ibinigay ko kay Abraham at kay Isaac, ay ibibigay ko sa iyo, at sa iyong lahi pagkamatay mo ay ibibigay ko ang lupain.
-
13
|Génesis 35:13|
At ang Dios ay napailanglang mula sa tabi niya sa dakong pinakipagusapan sa kaniya.
-
14
|Génesis 35:14|
At si Jacob ay nagtayo ng isang batong pinakaalaala sa dakong pinakipagusapan sa kaniya ng Dios, haliging bato: at binuhusan niya ng isang inuming handog at binuhusan niya ng langis.
-
15
|Génesis 35:15|
At tinawag ni Jacob na Bethel ang dakong pinakipagusapan sa kaniya ng Dios.
-
16
|Génesis 35:16|
At sila'y naglakbay mula sa Bethel; at may kalayuan pa upang dumating sa Ephrata: at nagdamdam si Raquel, at siya'y naghihirap sa panganganak.
-
17
|Génesis 35:17|
At nangyari, nang siya'y naghihirap sa panganganak, na sinabi sa kaniya ng hilot, Huwag kang matakot, sapagka't magkakaroon ka ng isa pang anak na lalake.
-
18
|Génesis 35:18|
At nangyari, nang nalalagot ang kaniyang hininga (sapagka't namatay siya), ay kaniyang pinanganlang Benoni: datapuwa't pinanganlan ng kaniyang ama na Benjamin.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 2 Corintios 1-4