-
Leer por capítulos:
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
29
|Génesis 35:29|
At nalagot ang hininga ni Isaac at namatay, at siya'y nalakip sa kaniyang bayan, matanda at puspos ng mga araw: at inilibing siya ng kaniyang mga anak na si Esau at si Jacob.
-
1
|Génesis 36:1|
Ito nga ang mga lahi ni Esau (na siyang Edom).
-
2
|Génesis 36:2|
Si Esau ay nagasawa sa mga anak ng Canaan; kay Ada na anak ni Elon na Hethoh, at kay Aholibama, anak ni Ana na anak ni Zibeon na Heveo.
-
3
|Génesis 36:3|
At kay Basemath na anak ni Ismael, na kapatid ni Nabaiot.
-
4
|Génesis 36:4|
At ipinanganak si Eliphaz ni Ada kay Esau; at ipinanganak ni Basemath si Reuel;
-
5
|Génesis 36:5|
At ipinanganak ni Aholibama si Jeus, at si Jaalam at si Cora; ito ang mga anak ni Esau, na ipinanganak sa kaniya sa lupain ng Canaan.
-
6
|Génesis 36:6|
At dinala ni Esau ang kaniyang mga asawa, at ang kaniyang mga anak na lalake at babae, at ang lahat ng tao sa kaniyang bahay, at ang kaniyang hayop, at ang lahat ng kaniyang kawan, at ang lahat niyang tinatangkilik na kaniyang tinipon sa lupain ng Canaan; at napasa ibang lupaing bukod kay Jacob na kaniyang kapatid.
-
7
|Génesis 36:7|
Sapagka't ang kanilang pag-aari ay totoong napakalaki para sa kanila na tumahang magkasama at ang lupain na kanilang pinaglakbayan ay hindi makaya sila, sapagka't napakarami ang kanilang hayop.
-
8
|Génesis 36:8|
At tumahan si Esau sa bundok ng Seir: si Esau ay siyang Edom.
-
9
|Génesis 36:9|
At ito ang mga lahi ni Esau, na ama ng mga Edomita sa bundok ng Seir:
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 2 Corintios 1-4