-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
22
|Josué 12:22|
Ang hari sa Chedes, isa; ang hari sa Jocneam sa Carmel, isa;
-
23
|Josué 12:23|
Ang hari sa Dor sa kaitaasan ng Dor, isa; ang hari ng mga bansa sa Gilgal, isa;
-
24
|Josué 12:24|
Ang hari sa Tirsa, isa; lahat ng hari ay tatlong pu't isa;
-
1
|Josué 13:1|
Si Josue nga'y matanda at puspos ng mga taon; at sinabi ng Panginoon sa kaniya, Ikaw ay matanda at puspos ng mga taon, at may nalalabi pang totoong maraming lupain na aariin.
-
2
|Josué 13:2|
Ito ang lupain na nalalabi pa: ang lahat na lupain ng mga Filisteo, at ang lahat na Gessureo:
-
3
|Josué 13:3|
Mula sa Sihor na nasa tapat ng Egipto, hanggang sa hangganan ng Accaron na dakong hilagaan, na nabilang sa mga Cananeo: ang limang pangulo ng mga Filisteo, ang mga Gazeo, ang mga Asdodeo, ang mga Ascaloneo, ang mga Getheo, ang mga Accaronneo; gayon din ang mga Heveo,
-
4
|Josué 13:4|
Sa dakong timugan: ang lahat na lupain ng mga Cananeo, at ang Mehara, na nauukol sa mga Sidonio hanggang sa Aphec, na hangganan ng mga Amorrheo;
-
5
|Josué 13:5|
At ang lupain ng mga Gebalita at ang buong Libano, sa dakong sinisikatan ng araw, mula sa Baal-gad, sa ibaba ng bundok Hermon hanggang sa pasukan sa Hamat:
-
6
|Josué 13:6|
Ang lahat ng taga lupaing maburol mula sa Libano hanggang sa Misrephoth-maim, sa makatuwid baga'y lahat ng mga Sidonio; sila'y aking itataboy mula sa harap ng mga anak ni Israel: iyo lamang bahagihin sa Israel na pinakamana, gaya ng iniutos ko sa iyo.
-
7
|Josué 13:7|
Iyo ngang bahagihin ang lupaing ito na pinakamana sa siyam na lipi, at sa kalahating lipi ni Manases.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 11-13