-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
18
|Josué 13:18|
At ang Jaas, at ang Ced-demoth, at ang Mephaath;
-
19
|Josué 13:19|
At ang Chiriataim, at ang Sibma, at ang Zereth-shahar, sa bundok ng libis;
-
20
|Josué 13:20|
At ang Beth-peor, at ang mga tagudtod ng Pisga, at ng Beth-jesimoth;
-
21
|Josué 13:21|
At ang lahat ng mga bayan sa kapatagan at ang buong kaharian ni Sehon na hari ng mga Amorrheo na naghari sa Hesbon, na siyang sinaktan ni Moises na gayon din ang mga pinuno sa Madian, si Hevi, si Recem, at si Sur, at si Hur, at si Reba, na mga prinsipe ni Sehon, na tumahan sa lupain.
-
22
|Josué 13:22|
Si Balaam man na anak ni Beor na manghuhula, ay pinatay ng mga anak ni Israel ng tabak sa gitna ng nalabi sa kanilang nangapatay.
-
23
|Josué 13:23|
At ang hangganan ng mga anak ni Ruben ay ang Jordan, at ang hangganan niyaon. Ito ang mana ng mga anak ni Ruben ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayan at ang mga nayon niyaon.
-
24
|Josué 13:24|
At si Moises ay nagbigay sa lipi ni Gad, sa mga anak ni Gad, ng ayon sa kanilang mga angkan.
-
25
|Josué 13:25|
At ang kanilang hangganan ay ang Jacer, at ang lahat na bayan ng Galaad, at ang kalahati ng lupain ng mga anak ni Ammon hanggang sa Aroer na nasa tapat ng Rabba;
-
26
|Josué 13:26|
At mula sa Hesbon hanggang sa Ramathmizpe, at sa Betonim; at mula sa Mahanaim hanggang sa hangganan ng Debir.
-
27
|Josué 13:27|
At sa libis, ang Beth-aram, at ang Beth-nimra, at ang Sucoth, at ang Saphon, na labis ng kaharian ni Sehon na hari sa Hesbon, ang Jordan at ang hangganan niyaon, hanggang sa kaduluduluhang bahagi ng dagat ng Cinnereth, sa dako roon ng Jordan na dakong silanganan.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 11-13