-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
11
|Lucas 21:11|
At magkakaroon ng malalakas na lindol, at sa iba't ibang dako ay magkakagutom at magkakasalot; at magkakaroon ng mga bagay na kakilakilabot, at ng mga dakilang tanda mula sa langit.
-
12
|Lucas 21:12|
Datapuwa't bago mangyari ang lahat ng mga bagay na ito, ay huhulihin kayo, at paguusigin kayo, na kayo'y ibibigay sa mga sinagoga at sa mga bilangguan, na kayo'y dadalhin sa harapan ng mga hari at mga gobernador dahil sa aking pangalan.
-
13
|Lucas 21:13|
Ito'y magiging patotoo sa inyo.
-
14
|Lucas 21:14|
Pagtibayin nga ninyo ang inyong mga puso, na huwag munang isipin kung paano ang inyong isasagot:
-
15
|Lucas 21:15|
Sapagka't bibigyan ko kayo ng isang bibig at karunungan, na hindi mangyayaring masalangsang o matutulan man ng lahat ninyong mga kaalit.
-
16
|Lucas 21:16|
Datapuwa't kayo'y ibibigay ng kahit mga magulang, at mga kapatid, at mga kamaganak, at mga kaibigan; at ipapapatay nila ang iba sa inyo.
-
17
|Lucas 21:17|
At kayo'y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan.
-
18
|Lucas 21:18|
At hindi mawawala kahit isang buhok ng inyong ulo.
-
19
|Lucas 21:19|
Sa inyong pagtitiis ay maipagwawagi ninyo ang inyong mga kaluluwa.
-
20
|Lucas 21:20|
Datapuwa't pagka nangakita ninyong nakukubkob ng mga hukbo ang Jerusalem, kung magkagayo'y talastasin ninyo na ang kaniyang pagkawasak ay malapit na.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer Deuteronomio 4-7