-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
31
|Lucas 21:31|
Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyong nangyari ang mga bagay na ito, talastasin ninyo na malapit na ang kaharian ng Dios.
-
32
|Lucas 21:32|
Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi lilipas ang lahing ito, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.
-
33
|Lucas 21:33|
Ang langit at ang lupa ay lilipas: datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas.
-
34
|Lucas 21:34|
Datapuwa't mangagingat kayo sa inyong sarili, baka mangalugmok ang inyong mga puso sa katakawan, at sa kalasingan, at sa mga pagsusumakit ukol sa buhay na ito, at dumating na bigla sa inyo ang araw na yaon na gaya ng silo:
-
35
|Lucas 21:35|
Sapagka't gayon darating sa kanilang lahat na nangananahan sa ibabaw ng buong lupa.
-
36
|Lucas 21:36|
Datapuwa't mangagpuyat kayo sa bawa't panahon, na mangagsidaing, upang kamtin ninyo ang makatakas sa lahat ng mga bagay na ito na mangyayari, at upang mangakatayo kayo sa harapan ng Anak ng tao.
-
37
|Lucas 21:37|
At araw-araw ay nagtuturo siya sa templo; at lumalabas gabi-gabi at tumatahan sa bundok na tinatawag na Olivo.
-
38
|Lucas 21:38|
At ang buong bayan ay maagang pumaparoon sa kaniya sa templo, upang makinig sa kaniya.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer Deuteronomio 4-7