-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
35
|Lucas 20:35|
Datapuwa't ang mga inaaring karapatdapat magkamit ng sanlibutang yaon, at ng pagkabuhay na maguli sa mga patay, ay hindi mangagaasawa, ni papagaasawahin:
-
36
|Lucas 20:36|
Sapagka't hindi na sila maaaring mangamatay pa: sapagka't kahalintulad na sila ng mga anghel; at sila'y mga anak ng Dios, palibhasa'y mga anak ng pagkabuhay na maguli.
-
37
|Lucas 20:37|
Datapuwa't tungkol sa pagbabangon ng mga patay, ay ipinakilala rin naman ni Moises sa Mababang punong kahoy, nang tinawag niya ang Panginoon na Dios ni Abraham, at Dios ni Isaac, at Dios ni Jacob.
-
38
|Lucas 20:38|
Siya nga'y hindi Dios ng mga patay, kundi ng mga buhay: sapagka't nangabubuhay sa kaniya ang lahat.
-
39
|Lucas 20:39|
At pagsagot ng ilan sa mga eskriba, ay nangagsabi, Guro, mabuti ang pagkasabi mo.
-
40
|Lucas 20:40|
Sapagka't hindi na nga sila nangahas tumanong pa sa kaniya ng anomang tanong.
-
41
|Lucas 20:41|
At kaniyang sinabi sa kanila, Paanong sinasabi nila na ang Cristo ay anak ni David?
-
42
|Lucas 20:42|
Sapagka't si David din ang nagsasabi sa aklat ng Mga Awit, Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon; Maupo ka sa aking kanan,
-
43
|Lucas 20:43|
Hanggang sa gawin ko ang iyong mga kaaway na tuntungan ng iyong mga paa.
-
44
|Lucas 20:44|
Dahil dito tinatawag siyang Panginoon ni David, at paanong siya'y anak niya?
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Pedro 1-5