-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
30
|Marcos 15:30|
Iyong iligtas ang sarili mo, at bumaba ka sa krus.
-
31
|Marcos 15:31|
Gayon din naman ang mga pangulong saserdote pati ng mga eskriba, siya'y minumura na nangagsasalitaan sila-sila na sinasabi, Nagligtas siya sa mga iba; sa kaniyang sarili ay hindi makapagligtas.
-
32
|Marcos 15:32|
Bumaba ngayon mula sa krus ang Cristo, ang Hari ng Israel, upang aming makita at sampalatayanan. At minumura siya ng mga kasama niyang nangapapako.
-
33
|Marcos 15:33|
At nang dumating ang ikaanim na oras, ay nagdilim sa buong lupa hanggang sa oras na ikasiyam.
-
34
|Marcos 15:34|
At nang oras na ikasiyam ay sumigaw si Jesus ng malakas na tinig: Eloi, Eloi, lama sabacthani? na kung liliwanagin ay, Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan?
-
35
|Marcos 15:35|
At nang marinig ng ilang nangaroon, ay sinabi nila, Narito, tinatawag niya si Elias.
-
36
|Marcos 15:36|
At tumakbo ang isa, at binasa ng suka ang isang espongha, saka inilagay sa isang tambo, at ipinainom sa kaniya, na sinasabi, Pabayaan ninyo; tingnan natin kung paririto si Elias upang siya'y ibaba.
-
37
|Marcos 15:37|
At si Jesus ay sumigaw ng malakas na tinig, at nalagot ang hininga.
-
38
|Marcos 15:38|
At ang tabing ng templo ay nahapak na nagkadalawa mula sa itaas hanggang sa ibaba.
-
39
|Marcos 15:39|
At ang senturiong nakatayo sa tapat niya, nang makitang malagot ang hininga niya, ay kaniyang sinabi, Katotohanang ang taong ito ay Anak ng Dios.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 11-13