-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
17
|1 Corintios 7:17|
Ayon nga lamang sa ipinamahagi ng Panginoon sa bawa't isa, at ayon sa pagkatawag ng Dios sa bawa't isa, ay gayon siya lumakad. At gayon ang iniuutos ko sa lahat ng mga iglesia.
-
18
|1 Corintios 7:18|
Tinawag baga ang sinomang taong tuli na? huwag siyang maging di tuli. Tinawag baga ang sinomang di tuli? huwag siyang maging tuli.
-
19
|1 Corintios 7:19|
Ang pagtutuli ay walang anoman, at ang di pagtutuli ay walang anoman; kundi ang pagtupad sa mga utos ng Dios.
-
20
|1 Corintios 7:20|
Bayaang ang bawa't isa'y manatili doon sa pagkatawag na itinawag sa kaniya.
-
21
|1 Corintios 7:21|
Ikaw baga'y alipin ng ikaw ay tinawag? huwag kang magalaala: kung maaaring ikaw ay maging malaya, ay pagsikapan mo ng maging laya.
-
22
|1 Corintios 7:22|
Sapagka't ang tinawag sa Panginoon nang siya'y alipin, ay malaya sa Panginoon: gayon din naman ang tinawag nang siya'y malaya, ay alipin ni Cristo.
-
23
|1 Corintios 7:23|
Sa halaga kayo'y binili; huwag kayong maging mga alipin ng mga tao.
-
24
|1 Corintios 7:24|
Mga kapatid, bayaang ang bawa't isa'y manatili sa Dios sa kalagayang itinawag sa kaniya.
-
25
|1 Corintios 7:25|
Ngayon, tungkol sa mga dalaga ay wala akong utos ng Panginoon: nguni't ibinibigay ko ang aking pasiya, na tulad sa nagkamit ng habag ng Panginoon upang mapagkatiwalaan.
-
26
|1 Corintios 7:26|
Inaakala ko ngang mabuti ito dahil sa kasalukuyang kahapisan, sa makatuwid baga'y mabuti ngang ang tao'y manatili ng ayon sa kaniyang kalagayan.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 2 Pedro 1-3