-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
24
|1 Corintios 11:24|
At nang siya'y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at sinabi, Ito'y aking katawan na pinagputolputol dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin.
-
25
|1 Corintios 11:25|
At gayon din naman hinawakan ang saro pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito'y siyang bagong tipan sa aking dugo: gawin ninyo ito sa tuwing kayo'y magsisiinom, sa pagaalaala sa akin.
-
26
|1 Corintios 11:26|
Sapagka't sa tuwing kanin ninyo ang tinapay na ito, at inuman ninyo ang saro, ay inihahayag ninyo ang pagkamatay ng Panginoon hanggang sa dumating siya.
-
27
|1 Corintios 11:27|
Kaya't ang sinomang kumain ng tinapay, o uminom sa saro ng Panginoon, na di nararapat, ay magkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon.
-
28
|1 Corintios 11:28|
Datapuwa't siyasatin ng tao ang kaniyang sarili, at saka kumain ng tinapay, at uminom sa saro.
-
29
|1 Corintios 11:29|
Sapagka't ang kumakain at umiinom, ay kumakain at umiinom ng hatol sa kaniyang sarili, kung hindi niya kinikilala ang katawan ng Panginoon.
-
30
|1 Corintios 11:30|
Dahil dito'y marami sa inyo ang mahihina at mga masasaktin, at hindi kakaunti ang nangatutulog.
-
31
|1 Corintios 11:31|
Datapuwa't kung ating kilalanin ang ating sarili, ay hindi tayo hahatulan.
-
32
|1 Corintios 11:32|
Datapuwa't kung tayo'y hinahatulan, ay pinarurusahan tayo ng Panginoon, upang huwag tayong mahatulang kasama ng sanglibutan.
-
33
|1 Corintios 11:33|
Dahil dito, mga kapatid ko, kung kayo'y mangagsasalosalo sa pagkain, ay mangaghintayan kayo.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Pedro 1-5