-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
1
|Juan 11:1|
Isang tao nga na may-sakit, si Lazaro na taga Betania, na nayon ni Maria at ni Marta na kaniyang kapatid.
-
2
|Juan 11:2|
At ito'y yaong si Maria na nagpahid sa Panginoon ng unguento, at kinuskos ang kaniyang mga paa ng kaniyang mga buhok, na ang kaniyang kapatid na si Lazaro ay may-sakit.
-
3
|Juan 11:3|
Nagpasugo nga sa kaniya ang mga kapatid na babae, na nagsasabi, Panginoon, narito, siya na iyong iniibig ay may-sakit.
-
4
|Juan 11:4|
Nguni't pagkarinig ni Jesus nito, ay sinabi niya, Ang sakit na ito'y hindi sa ikamamatay, kundi sa ikaluluwalhati ng Dios, upang ang Anak ng Dios ay luwalhatiin sa pamamagitan niyaon.
-
5
|Juan 11:5|
Iniibig nga ni Jesus si Marta, at ang kaniyang kapatid na babae, at si Lazaro.
-
6
|Juan 11:6|
Nang mabalitaan nga niya na siya'y may-sakit, siya'y tumahang dalawang araw nang panahong yaon sa dating kinaroroonan niya.
-
7
|Juan 11:7|
Saka pagkatapos nito ay sinabi niya sa mga alagad, Tayo nang muli sa Judea.
-
8
|Juan 11:8|
Sinabi sa kaniya ng mga alagad, Rabi, ngayo'y pinagsisikapang batuhin ka ng mga Judio; at muli kang paroroon doon?
-
9
|Juan 11:9|
Sumagot si Jesus, Hindi baga ang araw ay may labingdalawang oras? Kung ang isang tao'y lumalakad samantalang araw, ay hindi siya natitisod, sapagka't nakikita niya ang ilaw ng sanglibutang ito.
-
10
|Juan 11:10|
Nguni't ang isang taong lumalakad samantalang gabi, ay natitisod siya, sapagka't walang ilaw sa kaniya.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Samuel 24-27