-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
1
|Juan 9:1|
At sa pagdaraan niya, ay nakita niya ang isang lalaking bulag mula sa kaniyang kapanganakan.
-
2
|Juan 9:2|
At itinanong sa kaniya ng kaniyang mga alagad, na nangagsasabi, Rabi, sino ang nagkasala, ang taong ito, o ang kaniyang mga magulang, upang siya'y ipanganak na bulag?
-
3
|Juan 9:3|
Sumagot si Jesus, Hindi dahil sa ang taong ito'y nagkasala, ni ang kaniyang mga magulang man: kundi upang mahayag sa kaniya ang mga gawa ng Dios.
-
4
|Juan 9:4|
Kinakailangan nating gawin ang mga gawa niyaong nagsugo sa akin, samantalang araw: dumarating ang gabi, na walang taong makagagawa.
-
5
|Juan 9:5|
Samantalang ako'y nasa sanglibutan, ako ang ilaw ng sanglibutan.
-
6
|Juan 9:6|
Nang masabi niya ang ganito, siya'y lumura sa lupa, at pinapagputik ang lura, at pinahiran ang mga mata niya ng putik,
-
7
|Juan 9:7|
At sinabi sa kaniya, Humayo ka, maghugas ka sa tangke ng Siloe (na kung liliwanagin ay Sinugo). Siya nga'y humayo, at naghugas, at nagbalik na nakakakita.
-
8
|Juan 9:8|
Ang mga kapitbahay nga, at ang nangakakita sa kaniya nang una, na siya'y pulubi, ay nangagsabi, Hindi baga ito ang nauupo at nagpapalimos?
-
9
|Juan 9:9|
Sinabi ng mga iba, Siya nga: sinabi ng mga iba, Hindi, kundi nakakamukha niya. Sinabi niya, Ako nga.
-
10
|Juan 9:10|
Sa kaniya nga'y kanilang sinabi, Paano nga ang pagkadilat ng iyong mga mata?
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer Éxodo 5-8