-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
31
|Juan 9:31|
Nalalaman naming hindi pinakikinggan ng Dios ang mga makasalanan: datapuwa't kung ang sinomang tao'y maging mananamba sa Dios, at ginagawa ang kaniyang kalooban, siya'y pinakikinggan niya.
-
32
|Juan 9:32|
Buhat nang lalangin ang sanglibutan ay hindi narinig kailan man na napadilat ng sinoman ang mga mata ng isang taong ipinanganak na bulag.
-
33
|Juan 9:33|
Kung ang taong ito'y hindi galing sa Dios, ay hindi makagagawa ng anoman.
-
34
|Juan 9:34|
Sila'y nagsisagot at sa kaniya'y sinabi, Ipinanganak kang lubos sa mga kasalanan, at ikaw baga ang nagtuturo sa amin? At siya'y pinalayas nila.
-
35
|Juan 9:35|
Nabalitaan ni Jesus na siya'y pinalayas nila; at pagkasumpong sa kaniya, ay sinabi niya, Sumasampalataya ka baga sa Anak ng Dios?
-
36
|Juan 9:36|
Sumagot siya at sinabi. At sino baga siya, Panginoon, upang ako'y sumampalataya sa kaniya?
-
37
|Juan 9:37|
Sinabi sa kaniya ni Jesus, Siya'y nakita mo na, at siya nga na nakikipagsalitaan sa iyo.
-
38
|Juan 9:38|
At sinabi niya, Panginoon, sumasampalataya ako. At siya'y sinamba niya.
-
39
|Juan 9:39|
At sinabi ni Jesus, Sa paghatol ay naparito ako sa sanglibutang ito, upang ang mga hindi nakakakita ay mangakakita; at upang ang mga nakakakita, ay maging mga bulag.
-
40
|Juan 9:40|
Yaong mga Fariseo na kasama niya ay nangakarinig ng mga bagay na ito, at sinabi sa kaniya, Kami baga naman ay mga bulag din?
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer Éxodo 9-11