-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
25
|Juan 5:25|
Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Dumarating ang panahon, at ngayon nga, na maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Dios; at ang mangakarinig ay mangabubuhay.
-
26
|Juan 5:26|
Sapagka't kung paanong ang Ama ay may buhay sa kaniyang sarili, ay gayon din namang pinagkalooban niya ang Anak na magkaroon ng buhay sa kaniyang sarili:
-
27
|Juan 5:27|
At binigyan niya siya ng kapamahalaang makahatol, sapagka't siya'y anak ng tao.
-
28
|Juan 5:28|
Huwag ninyong ipanggilalas ito: sapagka't dumarating ang oras, na ang lahat ng nangasa libingan ay makaririnig ng kaniyang tinig,
-
29
|Juan 5:29|
At magsisilabas; ang mga nagsigawa ng mabuti, ay sa pagkabuhay na maguli sa buhay; at ang mga nagsigawa ng masama, ay sa pagkabuhay na maguli sa paghatol.
-
30
|Juan 5:30|
Hindi ako makagagawa ng anoman sa aking sarili: humahatol ako ayon sa aking naririnig: at ang paghatol ko'y matuwid; sapagka't hindi ko pinaghahanap ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban niyaong nagsugo sa akin.
-
31
|Juan 5:31|
Kung ako'y nagpapatotoo sa aking sarili, ang patotoo ko ay hindi katotohanan.
-
32
|Juan 5:32|
Iba ang nagpapatotoo sa akin; at talastas ko na ang patotoong isinasaksi niya sa akin ay totoo.
-
33
|Juan 5:33|
Kayo'y nangagsugo kay Juan, at siya'y nagpatotoo sa katotohanan.
-
34
|Juan 5:34|
Datapuwa't ang patotoo ay hindi mula sa tao: gayon ma'y sinasabi ko ang mga bagay na ito, upang kayo'y mangaligtas.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 2 Reyes 4-5