-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
31
|Juan 1:31|
At siya'y hindi ko nakilala; datapuwa't upang siya'y mahayag sa Israel, dahil dito'y naparito ako na bumabautismo sa tubig.
-
32
|Juan 1:32|
At nagpatotoo si Juan, na nagsasabi, Nakita ko ang Espiritu na bumababang tulad sa isang kalapati na buhat sa langit; at dumapo sa kaniya.
-
33
|Juan 1:33|
At siya'y hindi ko nakilala; datapuwa't ang nagsugo sa akin upang bumautismo sa tubig, ay siyang nagsabi sa akin, Ang makita mong babaan ng Espiritu, at manahan sa kaniya, ay siya nga ang bumabautismo sa Espiritu Santo.
-
34
|Juan 1:34|
At aking nakita, at pinatotohanan kong ito ang Anak ng Dios.
-
35
|Juan 1:35|
Nang kinabukasan ay muling nakatayo si Juan, at ang dalawa sa kaniyang mga alagad;
-
36
|Juan 1:36|
At kaniyang tiningnan si Jesus samantalang siya'y naglalakad, at sinabi, Narito, ang Cordero ng Dios!
-
37
|Juan 1:37|
At narinig siyang nagsalita ng dalawang alagad, at sila'y nagsisunod kay Jesus.
-
38
|Juan 1:38|
At lumingon si Jesus, at nakita silang nagsisisunod, at sinabi sa kanila, Ano ang inyong hinahanap? At sinabi nila sa kaniya, Rabi (na kung liliwanagin, ay Guro), saan ka tumitira?
-
39
|Juan 1:39|
Sinabi niya sa kanila, Magsiparito kayo, at inyong makikita. Nagsiparoon nga sila at nakita kung saan siya tumitira; at sila'y nagsitirang kasama niya nang araw na yaon: noo'y magiikasangpu na ang oras.
-
40
|Juan 1:40|
Ang isa sa dalawang nakarinig ng pagsasalita ni Juan, at sumunod sa kaniya, ay si Andres na kapatid ni Simon Pedro.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 1-4