-
Leer por capítulos:
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
5
|Salmos 47:5|
Ang Dios ay napailanglang na may hiyawan, ang Panginoon na may tunog ng pakakak.
-
6
|Salmos 47:6|
Kayo'y magsiawit ng mga pagpuri sa Dios, kayo'y magsiawit ng mga pagpuri: kayo'y magsiawit ng mga pagpuri sa ating Hari, kayo'y magsiawit ng mga pagpuri.
-
7
|Salmos 47:7|
Sapagka't ang Dios ay Hari ng buong lupa: magsiawit kayo ng mga pagpuri na may pagunawa.
-
8
|Salmos 47:8|
Ang Dios ay naghahari sa mga bansa: ang Dios ay nauupo sa kaniyang banal na luklukan.
-
9
|Salmos 47:9|
Ang mga pangulo ng mga bayan ay nangapipisan upang maging bayan ng Dios ni Abraham; sapagka't ang mga kalasag ng lupa ay ukol sa Dios; siya'y totoong bunyi.
-
1
|Salmos 48:1|
Dakila ang Panginoon, at marapat pakapurihin, sa bayan ng aming Dios, sa kaniyang banal na bundok.
-
2
|Salmos 48:2|
Maganda sa kataasan, ang kagalakan ng buong lupa, siyang bundok ng Sion, sa mga dako ng hilagaan, na bayan ng dakilang Hari.
-
3
|Salmos 48:3|
Ang Dios ay napakilala sa kaniyang mga bahay-hari, na pinakakanlungan.
-
4
|Salmos 48:4|
Sapagka't narito, ang mga hari ay nagpupulong, sila'y nagsidaang magkakasama.
-
5
|Salmos 48:5|
Kanilang nakita, nagsipanggilalas nga sila; sila'y nanganglupaypay, sila'y nangagmadaling tumakas.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer Levítico 1-4