-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
24
|1 Corintios 9:24|
Hindi baga ninyo nalalaman na ang mga nagsisitakbo sa takbuhan ay tumatakbong lahat, nguni't iisa lamang ang tumatanggap ng ganting-pala? Magsitakbo kayo ng gayon; upang magsipagtamo kayo.
-
25
|1 Corintios 9:25|
At ang bawa't tao na nakikipaglaban sa mga palaruan ay mapagpigil sa lahat ng mga bagay. Ginagawa nga nila ito upang magsipagtamo ng isang putong na may pagkasira; nguni't tayo'y niyaong walang pagkasira.
-
26
|1 Corintios 9:26|
Ako nga'y tumatakbo sa ganitong paraan, na hindi gaya ng nagsasapalaran; sa ganito rin ako'y sumusuntok, na hindi gaya ng sumusuntok sa hangin:
-
27
|1 Corintios 9:27|
Nguni't hinahampas ko ang aking katawan, at aking sinusupil: baka sakaling sa anomang paraan, pagkapangaral ko sa iba, ay ako rin ay itakuwil.
-
1
|1 Corintios 10:1|
Sapagka't hindi ko ibig mga kapatid, na di ninyo maalaman, na ang ating mga magulang ay nangapasa ilalim ng alapaap, at ang lahat ay nagsitawid sa dagat;
-
2
|1 Corintios 10:2|
At lahat ay nangabautismuhan kay Moises sa alapaap at sa dagat;
-
3
|1 Corintios 10:3|
At lahat ay nagsikain ng isang pagkain ding ayon sa espiritu;
-
4
|1 Corintios 10:4|
At lahat ay nagsiinom ng isang inumin ding ayon sa espiritu; sapagka't nagsiinom sa batong ayon sa espiritu na sumunod sa kanila: at ang batong yaon ay si Cristo.
-
5
|1 Corintios 10:5|
Bagaman ang karamihan sa kanila ay hindi nakalugod sa Dios; sapagka't sila'y ibinuwal sa ilang.
-
6
|1 Corintios 10:6|
Ang mga bagay na ito nga'y pawang naging mga halimbawa sa atin, upang huwag tayong magsipagnasa ng mga bagay na masama na gaya naman nila na nagsipagnasa.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Pedro 1-5