-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
17
|1 Corintios 10:17|
Bagaman tayo'y marami, ay iisa lamang tinapay, iisang katawan: sapagka't tayong lahat ay nakikibahagi sa isa lamang tinapay.
-
18
|1 Corintios 10:18|
Tingnan ninyo ang Israel na ayon sa laman: ang mga nagsisikain baga ng mga hain ay wala kayang pakikipagkaisa sa dambana?
-
19
|1 Corintios 10:19|
Ano ang aking sinasabi? na ang hain baga sa mga diosdiosan ay may kabuluhan? o ang diosdiosan ay may kabuluhan?
-
20
|1 Corintios 10:20|
Subali't sinasabi ko, na ang mga bagay na inihahain ng mga Gentil, ay kanilang inihahain sa mga demonio, at hindi sa Dios: at di ko ibig na kayo'y mangagkaroon ng pakikipagkaisa sa mga demonio.
-
21
|1 Corintios 10:21|
Hindi ninyo maiinuman ang saro ng Panginoon, at ang saro ng mga demonio: kayo'y hindi maaaring makisalo sa dulang ng Panginoon, at sa dulang ng mga demonio.
-
22
|1 Corintios 10:22|
O minumungkahi baga natin sa paninibugho ang Panginoon? tayo baga'y lalong malakas kay sa kaniya?
-
23
|1 Corintios 10:23|
Lahat ng mga bagay ay matuwid; nguni't hindi ang lahat ng mga bagay ay nararapat. Lahat ng mga bagay ay matuwid; nguni't hindi ang lahat ng mga bagay ay makapagpapatibay.
-
24
|1 Corintios 10:24|
Huwag hanapin ninoman ang sa kaniyang sarili, kundi ang ikabubuti ng kapuwa.
-
25
|1 Corintios 10:25|
Lahat ng ipinagbibili sa pamilihan ay kanin ninyo, at huwag kayong magsipagtanong ng anoman dahilan sa budhi;
-
26
|1 Corintios 10:26|
Sapagka't ang lupa ay sa Panginoon, at ang kabuuan ng naririto.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Pedro 1-5