-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
16
|1 Corintios 15:16|
Sapagka't kung hindi muling binubuhay ang mga patay, ay hindi rin nga muling binuhay si Cristo:
-
17
|1 Corintios 15:17|
At kung si Cristo ay hindi muling binuhay, ang inyong pananampalataya ay walang kabuluhan kayo'y nasa inyong mga kasalanan pa.
-
18
|1 Corintios 15:18|
Kung gayon nga, ang mga nangatutulog din naman kay Cristo ay pawang nangapahamak.
-
19
|1 Corintios 15:19|
Kung sa buhay lamang na ito tayo nagsisiasa kay Cristo, ay tayo sa lahat ng mga tao ang lalong kahabaghabag.
-
20
|1 Corintios 15:20|
Datapuwa't si Cristo nga'y muling binuhay sa mga patay na siya ay naging pangunahing bunga ng nangatutulog.
-
21
|1 Corintios 15:21|
Sapagka't yamang sa pamamagitan ng tao'y dumating ang kamatayan, sa pamamagitan din naman ng tao'y dumating ang pagkabuhay na maguli sa mga patay.
-
22
|1 Corintios 15:22|
Sapagka't kung paanong kay Adam ang lahat ay nangamamatay, gayon din naman kay Cristo ang lahat ay bubuhayin.
-
23
|1 Corintios 15:23|
Datapuwa't ang bawa't isa'y sa kaniyang sariling katayuan; si Cristo ang pangunahing bunga; pagkatapos ay ang mga kay Cristo, sa kaniyang pagparito.
-
24
|1 Corintios 15:24|
Kung magkagayo'y darating ang wakas, pagka ibibigay na niya ang kaharian sa Dios, sa makatuwid baga'y sa Ama; pagka lilipulin na niya ang lahat ng paghahari, at lahat ng kapamahalaan at kapangyarihan.
-
25
|1 Corintios 15:25|
Sapagka't kinakailangang siya'y maghari hanggang mailagay niya sa ilalim ng kaniyang mga talampakan ang lahat niyang mga kaaway.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Pedro 1-5