-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
36
|1 Corintios 15:36|
Ikaw na mangmang, ang inyong inihahasik ay hindi binubuhay maliban na kung mamatay:
-
37
|1 Corintios 15:37|
At ang iyong inihahasik ay hindi mo inihahasik ang katawang lilitaw, kundi ang butil lamang, na marahil ay trigo, o ibang bagay;
-
38
|1 Corintios 15:38|
Datapuwa't ang Dios ay nagbibigay ng katawan dito ayon sa kaniyang minagaling, at sa bawa't binhi ay ang sariling katawan.
-
39
|1 Corintios 15:39|
Hindi ang lahat ng laman ay magkasing-isang laman: kundi may laman sa mga tao, at ibang laman sa mga hayop, at ibang laman sa mga ibon, at ibang laman sa mga isda.
-
40
|1 Corintios 15:40|
Mayroon namang mga katawang ukol sa langit, at mga katawang ukol sa lupa: datapuwa't iba ang kaluwalhatian ng ukol sa langit, at iba ang ukol sa lupa.
-
41
|1 Corintios 15:41|
Iba ang kaluwalhatian ng araw, at iba ang kaluwalhatian ng buwan, at iba ang kaluwalhatian ng mga bituin; sapagka't ang isang bituin ay naiiba sa ibang bituin sa kaluwalhatian.
-
42
|1 Corintios 15:42|
Gayon din naman ang pagkabuhay na maguli ng mga patay. Itinatanim na may kasiraan; binubuhay na maguli na walang kasiraan;
-
43
|1 Corintios 15:43|
Itinatanim na may pagkasiphayo; binubuhay na maguli na may kaluwalhatian: itinatanim na may kahinaan; binubuhay na maguli na may kapangyarihan:
-
44
|1 Corintios 15:44|
Itinatanim na may katawang ukol sa lupa; binubuhay na maguli na katawang ukol sa espiritu. Kung may katawang ukol sa lupa ay may katawang ukol sa espiritu naman.
-
45
|1 Corintios 15:45|
Gayon din naman nasusulat, Ang unang taong si Adam ay naging kaluluwang buhay. Ang huling Adam ay naging espiritung nagbibigay buhay.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Pedro 1-5