-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
1
|Juan 6:1|
Pagkatapos ng mga bagay na ito ay naparoon si Jesus sa kabilang ibayo ng dagat ng Galilea, na siyang dagat ng Tiberias.
-
2
|Juan 6:2|
At sumusunod sa kaniya ang lubhang maraming tao, sapagka't kanilang nangakikita ang mga tanda na ginagawa niya sa mga maysakit.
-
3
|Juan 6:3|
At umahon si Jesus sa bundok, at doo'y naupo siya na kasama ng kaniyang mga alagad.
-
4
|Juan 6:4|
Malapit na nga ang paskua, na pista ng mga Judio.
-
5
|Juan 6:5|
Itinanaw nga ni Jesus ang kaniyang mga mata, at pagkakita na ang lubhang maraming tao'y lumalapit sa kaniya, ay sinabi kay Felipe, Saan tayo magsisibili ng tinapay, upang mangakakain ang mga ito?
-
6
|Juan 6:6|
At ito'y sinabi niya upang siya'y subukin: sapagka't nalalaman niya sa kaniyang sarili kung ano ang kaniyang gagawin.
-
7
|Juan 6:7|
Sumagot si Felipe sa kaniya, Hindi magkakasiya sa kanila ang dalawang daang denariong tinapay, upang makakain ng kaunti ang bawa't isa.
-
8
|Juan 6:8|
Sinabi sa kaniya ng isa sa kaniyang mga alagad, si Andres, na kapatid ni Simon Pedro,
-
9
|Juan 6:9|
May isang batang lalake rito, na mayroong limang tinapay na sebada, at dalawang isda: datapuwa't gaano na ang mga ito sa ganyang karamihan?
-
10
|Juan 6:10|
Sinabi ni Jesus, Inyong paupuin ang mga tao. Madamo nga sa dakong yaon. Kaya't nagsiupo ang mga lalake, na may limang libo ang bilang.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 5-7