-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
61
|Juan 6:61|
Datapuwa't pagkaalam ni Jesus sa kaniyang sarili na nagbubulongbulungan ang kaniyang mga alagad tungkol dito, sa kanila'y sinabi, Ito baga'y nakapagpapatisod sa inyo?
-
62
|Juan 6:62|
Ano nga kung makita ninyong umaakyat ang Anak ng tao sa kinaroroonan niya nang una?
-
63
|Juan 6:63|
Ang espiritu nga ang bumubuhay; sa laman ay walang anomang pinakikinabang: ang mga salitang sinalita ko sa inyo ay pawang espiritu, at pawang buhay.
-
64
|Juan 6:64|
Datapuwa't may ilan sa inyong hindi nagsisisampalataya. Sapagka't talastas na ni Jesus buhat pa nang una kung sino-sino ang hindi nagsisisampalataya, at kung sino ang sa kaniya'y magkakanulo.
-
65
|Juan 6:65|
At sinabi niya, Dahil dito'y sinabi ko sa inyo, na walang taong makalalapit sa akin, maliban na ipagkaloob sa kaniya ng Ama.
-
66
|Juan 6:66|
Dahil dito'y marami sa kaniyang mga alagad ay nagsitalikod, at hindi na nagsisama sa kaniya.
-
67
|Juan 6:67|
Sinabi nga ni Jesus sa labingdalawa, Ibig baga ninyong magsialis din naman?
-
68
|Juan 6:68|
Sinagot siya ni Simon Pedro, Panginoon, kanino kami magsisiparoon? ikaw ang may mga salita ng buhay na walang hanggan.
-
69
|Juan 6:69|
At kami'y nagsisisampalataya at nakikilala namin na ikaw ang Banal ng Dios.
-
70
|Juan 6:70|
Sinagot sila ni Jesus, Hindi baga hinirang ko kayong labingdalawa, at ang isa sa inyo ay diablo?
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 11-13