-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
35
|Juan 3:35|
Sinisinta ng Ama ang Anak, at inilagay sa kaniyang kamay ang lahat ng mga bagay.
-
36
|Juan 3:36|
Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan; nguni't ang hindi tumatalima sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi ang poot ng Dios ay sumasa kaniya.
-
1
|Juan 4:1|
Nang maalaman nga ng Panginoon na nabalitaan ng mga Fariseo na si Jesus ay gumagawa at bumabautismo ng lalong maraming alagad kay sa kay Juan
-
2
|Juan 4:2|
(Bagaman hindi bumabautismo si Jesus, kundi ang kaniyang mga alagad),
-
3
|Juan 4:3|
Nilisan niya ang Judea, at naparoong muli sa Galilea.
-
4
|Juan 4:4|
At kinakailangang magdaan siya sa Samaria.
-
5
|Juan 4:5|
Sumapit nga siya sa isang bayan ng Samaria, na tinatawag na Sicar, malapit sa bahagi ng lupang ibinigay ni Jacob kay Jose na kaniyang anak:
-
6
|Juan 4:6|
At naroon ang balon ni Jacob. Si Jesus nga, nang napapagod na sa kaniyang paglalakbay, ay naupong gayon sa tabi ng balon. Magiikaanim na nga ang oras.
-
7
|Juan 4:7|
Dumating ang isang babaing taga Samaria upang umigib ng tubig: sa kaniya'y sinabi ni Jesus, Painumin mo ako.
-
8
|Juan 4:8|
Sapagka't napasa bayan ang kaniyang mga alagad upang magsibili ng pagkain.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 2 Reyes 4-5