-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
19
|Juan 4:19|
Sinabi sa kaniya ng babae, Ginoo, napaghahalata kong ikaw ay isang propeta.
-
20
|Juan 4:20|
Nagsisamba ang aming mga magulang sa bundok na ito; at sinasabi ninyo, na sa Jerusalem ay siyang dakong kinakailangang pagsambahan ng mga tao.
-
21
|Juan 4:21|
Sa kaniya'y sinabi ni Jesus, Babae, paniwalaan mo ako, na dumarating ang oras, na kahit sa bundok na ito, ni sa Jerusalem, ay hindi ninyo sasambahin ang Ama.
-
22
|Juan 4:22|
Sinasamba ninyo ang hindi ninyo nalalaman: sinasamba namin ang nalalaman namin; sapagka't ang kaligtasan ay nanggagaling sa mga Judio.
-
23
|Juan 4:23|
Datapuwa't dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka't hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya.
-
24
|Juan 4:24|
Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.
-
25
|Juan 4:25|
Sinabi sa kaniya ng babae, Nalalaman ko na paririto ang Mesias (ang tinatawag na Cristo): na pagparito niya, ay ipahahayag niya sa amin ang lahat ng mga bagay.
-
26
|Juan 4:26|
Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako na nagsasalita sa iyo ay siya nga.
-
27
|Juan 4:27|
At sa ganito'y nagsidating ang kaniyang mga alagad; at sila'y nangagtaka na siya'y nakikipagsalitaan sa isang babae; gayon ma'y walang taong nagsabi, Ano ang iyong hinahanap? o, Bakit nakikipagsalitaan ka sa kaniya?
-
28
|Juan 4:28|
Sa gayo'y iniwan ng babae ang kaniyang banga ng tubig, at napasa bayan, at sinabi sa mga tao,
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 2 Reyes 4-5